Mr. ESON, Tinopak?




Napag-alaman ng aming kasabwat na itong si Mr. ESON ay tinopak na naman kung kayat nakakuha ng isang garbage bag at ipnasok sa room nyang punung-puno ng misteryo. At ano pa ang nangyari? Siyempre napagtripan niya itong may topak rin, si Kenneth. Nagimbal nga lang kami sa mga sumunod na nangyari… Aba’t muntik nang ipasok si Kenneth sa naturang Garbage bag na patuloy pa ring pinagti-tripan ng guro.

Nang tinanong nito sa mga Einstein kung itatapon na ba si Kenneth, alam nyo ba kung anong reaksyon nila? Siyempre gulat na gulat pa kuno pero maya-maya’y may nasabing “sige… Tapon n’yo na ‘yan!” Well, di naman talagang kataka-taka kung ipagtabuyan itong sa Kenneth ng kanyang kamag-aral. Mukha pa lang, eh… Joke lang po Kenneth, nasa top ‘yan!!!

Ang sa amin lang, “Mr. ESON naman, hindi pa ba kayo nagsasawang maninghot ng garbage bag?” Tama na lalu kasing lumalaki, eh…

No comments:

Post a Comment

(ó_ó) [Thank You for Coming...]