Isang Pamamaalam...

Maaaring noong una ay hindi natin siya nagustuhan dahil sa kanyang matatalas na pananalita sa atin... ngunit alam naman nating lahat na sa huli'y nanaig pa rin ang ating paggiging anak sa isang gurong masasabi kong humaplos sa ating mga puso't isipan.

Maaaring noong una ay nakagawa siya ng isang bagay na hindi niya inaakalang nakasasama sa iba ngunit alam naman nating lahat na nang lumaon ay kumupas ang pagkakamali't natabunan ng isang malaking pagbabago...

Isa lang ang pinakasigurado sa lahat: na minahal natin siya, bilang isang gurong nirerespeto - bilang si Mam Ticman... isang gurong laging nakangiti sa kabila ng isang karamdamang ikinukubli. Nananatiling nakangiti sa kabila ng problemang tinatamasa...

Mam, isa po kayong inspirasyon sa bawat isa sa amin... Opo, isa po kayo sa mga taong naging daan upang mas paghusayan pa po namin ang aming mga tungkulin. Upang ang mga tagong letra'y isiwalat sa kamalayan ng iba: hindi upang makapanakit ngunit upang makapag-bigay ng mabuting aral sa bawat isa...Mam, Hinding-hindi po namin kayo malilimutan: promise!

No comments:

Post a Comment

(ó_ó) [Thank You for Coming...]