
Kasabay nga ng bagong taon ang paglabas ng bagong Pedronian Bullitin. hehe. At malamang kasabay din nito ang maraming hula, comments ng Feng Shui Experts, at mga payo. Payo kay Edrian, takpan ng lumpia wrapper ang mukha upang pag lumabas ay walang matakot, swerte ka pa. Payo kay Jeramie, Cada at Lennie, tumalon ng bonggang-bongga sa Bagong taon upang katawan ay mabanat at maging ka-height na ni Yao Ming. Payo kay Emelyn at Gabriel, maligo sa suka upang tuluyan ng pumuti, pumikit nga lang dahil baka pumula ang mata- Ingat, gawin ito kung tulog na ang lahat para hindi kayo makita at mapigilan. Payo para kay Rocel, huwag kumain ng media noche para payat tayo, so habang kumakain na ang pamilya mo, dun ka lang sa tabi na pinipicturan sila para hindi halatang gutom. Payo para kay Ace, huwag ng lumundag sa bagong taon at baka may matamaan sa likod, kain ka na lang ng damo este kumain sa damuhan. Payo para kay Julie Anne, tumili sa bagong taon upang di na gumastos sa paputok. Payo kay Rose Anne, makipagkanatahan sa lasing habang ngumunguya ng chicharon, wala lang - parang voice lesson? (Voice lesson ba ang makipagkantahan sa lasing?) payo kay Mamangon, mag-jacket hindi sa katawan kundi sa noo. Payo kay chzalonie ingat sa kawayan at baka matuhog ka, instant media noche. Payo para kay Jay-R, dahil iba-iba naman ang style ng buhok mo depende sa season, sige dahil bagong taon gawin mo namang hugis five star ang buhok mo, sabay sindihan mo narin. Payo para kay Daisy, lagyan ng palito ang mata upang lumaki. Payo para kay Richard, bigyan ng flowers si Hazelle para maka-points na! Ganun din ang payo ko kina Julian & Kasey. Payo kay Jenna, talian ng kumot ang bunganga dahil hindi matalian ng panyo. Payo para kay Rochelle, mag-bahay-bahay sa New Year upang mabusog at eventually tumaba na rin at hindi na rin mailipad ng ihip... payo kay Kelvin, tumango para mabago naman ang laging pagtingala sa kisame. Payo para kina Jason at Nikki, luwagan para di na sumikip. At syempre, payo para kay sir Mendaña, huwag ng gumaya sa ibang subject, kailang pa nagkaroon ang math ng stageplay?
Ang sa akin lang, "Guys, Happy New Year Sa ating lahat. Tandaan na baka hindi makabuti ang nasa itaas so, esep-esep muna bago ang lahat. O Baka naman gawin nyo ang mga nasa itaas tapos tsaka mag-iisip. tama ba yun?"